Kape
Kapag malamig, kape lang sapat na para makatagal ako ng magdamag. Kahit sa dilim, kape lang din ang hinahanap ko. At kahit sa pinaka madidilim na parte ng buhay ko, kape padin ang palaging kasama ko. Hindi ako mahilig sa kape. Pero kape lang kasi ang meron ako . Kape lang ang laging kasama ko sa lahat ng sitwasyon na dinadaanan ko. Isa ang kape sa pinaka mahahalagang parte ng pagkatao ko . Kaya natutuwa ako na may nakilala ako na may kape din sa buhay nya. Masaya ako na di na ako nag kakape mag isa . Madilim man o maliwanag sabay kaming nag kakape ng mag kasama. Hindi na ako sanay uminom ng kape ng hindi sya ang kasabay. Akoy nalulumbay . Inaalala ang mga huling lagok ng kape na aking nainom na ikaw ang kasama. At sa bawat oras na na-aalala ko sya. Isang salita lang ang pumapasok sa isip ko. "gusto kong mag kape"